Politics

Mayorya ng mga alkalde ang sumusuporta kina Marcos-Duterte, ayon sa Pulse Asia

Walang isinagawa ang Pulse Asia na survey ng mga mayor tungkol sa pinapaboran nilang tandem

Buod
  • Ang sabi-sabi: Sa 1,480 na mga alkalde sa bansa, 1,200 ang sumusuporta sa tambalan nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte sa pagkapresidente at bise presidente, ayon sa Pulse Asia.
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na una nang ibinigay ng Baguio Chronicle sa kanilang truth examine sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Walang isinagawa ang Pulse Asia na survey ng mga mayor tungkol sa pinapaboran nilang tandem.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang truth examine na ito, might 1,600 nang reaksyon, 230 na komento, at 405 na shares ang kasinungalingang ipinapakalat sa Facebook.
Mga detalye 

Nag-viral sa Facebook nitong Abril ang infographic na nagpapakita ng umano’y pagsuporta ng 1,200 mula sa 1,480 na alkalde sa buong bansa sa tambalang Ferdinang “Bongbong” Marcos Jr., anak ng yumaong diktador at ngayo’y tumatakbo sa pagkapangulo, at “Inday” Sara Duterte, anak ng kasalukuyang Pangulo at ngayo’y tumatakbo sa pagkabise presidente. 

Ayon sa larawan, mula  sa “Pulse Asia Survey” ang nasabing bilang ng tagasuportang mga alkalde. (May 1,488 na municipal mayors at 146 metropolis mayors sa Pilipinas.)

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Sa isang mensahe sa textual content sa Rappler, nilinaw ni Ana Tabunda, direktor ng pananaliksik ng Pulse Asia, na hindi galing sa kanila ang kumakalat na datos.

Ang surveys ng Pulse Asia noong Pebrero at Marso 2022, na kapwa pinangunahan nina Marcos at Duterte, ay isinagawa sa pamamagitan ng “face-to-face interview” sa 2,400 katao na might edad 18 pataas. Hindi mga alkalde ang respondents sa survey.

Ang 57 na “sample barangay” sa survey ay kinuha mula sa 17 na rehiyon sa Pilipinas. Sa bawat pattern na barangay, pumili sila ng limang “probability respondent” na sasagot sa survey.   

“Random” o hindi tuwirang pinili ang mga pattern barangay mula sa bawat bayan o lungsod. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama ang Baguio Chronicle

Kung might nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, teams, accounts, web sites, artikulo, o mga larawan sa iyong community, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber truth examine chatbot. Sa bawat truth examine, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.



Source hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close